http://www.onegreatfamily.com, , , Get a Free psychic reading

Sabado, Mayo 3, 2014

RIA ang itawag mo sa akin



Problema sa puso?

Ibahagi mo ‘yan sa Dear Ria, …


Ako nga pala si Maria Angela Gonzales-Tabinas, masyadong mahaba ang name ko kaya Ria na lang ang itawag mo sa akin,  huwag mo na tanungin ang edad ko dahil wala na sa kalendaryo pero nasa lotto pa naman.  Ang rason ko kaya ginawa ko ang blogsite na ito ay dahil gusto kong makatulong sa mga teenagers, babae, lalaki, matatanda o nagbabata-bataan na nababaliw-baliw kung paano sosolusyunan ang kanilang problema at lalo na doon sa mga tao na feeling ay naghihingalo ang kanilang puso.

Huwag OA, ha. Hindi naman porke broken-hearted ka ay iisipin mong katapusan na ng mundo. Of course not, hindi pa naman end of the world, ano. Na-postponed nga ang December 21, 2012.



Kaysa naman maisipan mong mag-bisyo, sumama sa masamang barkada o kaya ay magpatiwakal, mas maigi pang kausapin mo na lamang ako. Tiyak pang luluwag pa ang iyong kalooban. Kahit naman feeling ko ay may sayad din ako hahaha, may kauntI pa rin naman akong natitirang katinuan, huwag kang mag-alala. Baka kahit katiting ay mapagliwanag ko rin ang iyong isipan.

Kahit naman marami ang nagsasabi na para akong autistic, hindi pa rin dahilan iyon para masabi kong magiging bad influence ako sa’yo, aba, good girl kaya ako, kaya naman sure na sure ako na maigigiya kita sa tamang landas.

O, sulat ka na sa Dear Ria,...

Share mo na sa akin ang ini-emote-emote mo riyan. At agad-agad kitang sasagutin.



Nagmamahal,

Ria

1 komento:

  1. Tama si ria talagang magaling siyang mag payo. Siya ang pumalit kay kay tia Dely. he he kilala ba nyo si tia Dely? Ay naku kila yan ng konti ni Ria. Sa totoo lang talagang nakaka bilib ang mga payo ni Ria parang si Roma Amor yan ng Bulgar. Nagbabasa ba kayo ng Bulgar. Magbasa na kayo araw araw at makikilala ninyo si Roma Amor kasing galing mag payo ni Ria Gonzales. Lahat ng klaseng problema, at gaya ng sabi niya hindi pa katapusan ng mundo gaano man kalski ang problema mo. Share mo lang ang problema mo gagaan na ang loob mo.

    TumugonBurahin