http://www.onegreatfamily.com, , , Get a Free psychic reading

Martes, Mayo 6, 2014

Nagseselos sa bestfriend ng boyfriend

Problema sa puso?

Ibahagi mo ‘yan sa Dear Ria, …


Dear Ria,
Pinagseselosan ko ang bestfriend na babae ng aking boyfriend. Super close kasi sila. Tama ba ba ang aking nararamdaman? – Claire



Claire,
Hmmm…okay lang ‘yang nararamdaman mo. Kung hindi ka magseselos sa babaeng mapapalapit sa’yong BF, ibig lang sabihin nu’n, hindi mo siya mahal. 
Sabi nga, ang pagseselos ay bunga ng pagmamahal mo. Ngunit, hindi naman lahat ng pagseselos ay makabubuting maidudulot sa inyong relasyon. Kadalasan, nagging dahilan ‘yan kaya magkakasira kayo. 
Napakaimportante sa relasyon ang tiwala. Bakit, hindi mo iyon ibigay sa’yong boyfriend? Wala ka bang tiwala sa kanya? Feeling mo ba ay papatusin niya ang kanyang bestfriend?
Kung talagang kaselos-selos ang relasyon ng iyong BF at ng kanyang bestfriend, kausapin mo ang iyong boyfriend. Itanong mo sa kanya kung hanggang kaibigan lang ba talaga ang tingin niya sa kanyang BFF. Kapag naman kasi nagselos ang babae, kadalasan ay mayroong dahilan, Baka naman kasi nakikita mo talaga na more than friends sila. Aba, kung ganu’n talaga, dapat mo na talagang iwanan ang iyong boyfriend dahil nagagamit ka na lang niya.
Ngayon kung sasabihin naman niya na ikaw ang mahal niya na diretsong nakatingin sa’yong mga mata, paniwalaan mo iyon. Hindi naman kasi iyon sasabihin sa’yo ng lalaki kung hindi nanggagaling sa kanyang puso. 
Pirmi mong tatandaan na ang relasyon ng mga bestfriend ay maging tagapakinig at tagapagtanggol ng kanyang kaibigan, kung sa tingin mo ay hindi na kailangan ng boyfriend mo ang kanyang bestfriend, maging mabuti kang kaibigan sa’yong boyfriend para mabawasan ang time nila sa isa’t isa. ‘Yon nga lang, may mga samahan na hindi kayang buwagin.  
Ah, makabubuting mag-usap kayo ng boyfriend mo. Kung maaari, kaibigan mo rin ang kanyang bestfriend. Malay mo, maging close kayo at sa pamamagitan noon ay malaman mo kung bakit siya bestfriend ng iyong boyfriend.


1 komento:

  1. masyadong complicated ang sitwasyon nyo. Pero being a man talagang maraming two timer. Maliban sa akin. hehe. kasi ako yata ang taong ayoko na maging malapit sa bff ng gf ko. Ayoko na may makita sa akin ang gf ko na ikaka selos niya kaya kailangan ko dumistansya sa mga bff ng gf ko. kung hindi ganyan ang bf mo tama ang kutob mo. kaya sundin mo ang payo ni ria.

    TumugonBurahin