Problema sa puso?
Ibahagi mo ‘yan sa Dear
Ria, …
Dear Ria,
In-love ako sa
aking guy bestfriend. 15 years old lang ako. Sasabihin ko ba sa kanya ang
feelings ko? – Breanna
Breanna,
Kung sasabihin mo
sa kanya ang feelings mo, malamang, masisira na rin ang friendship ninyo. Hindi
ko naman ipinamumukha sa’yo na hindi ka niya magugustuhan, ha. Siyempre, siya
lang naman ang makakasagot nu’n kung may pag-asa ka sa kanya ngunit sa tingin
ko ay napakabata mo pa para maging mapangahas sa pagtatapat ng feelings sa
lalaki, ano.
Aba, kahit naman BFF mo siya ay lalaki pa rin
niya, maaaring maisipan niyang mag-take advantage o kaya naman ay pagtawanan ka
niya. Ang ending masisira ang friendship ninyo. Gusto mo ba ‘yon?
Kung
pinahahalagahan mo ang friendship ninyo, sure ako na ‘hindi’ ang isasagot mo.
Hindi naman kasi
porke masaya ka kapag nakikita o nakakasama mo siya ay may gusto ka na sa
kanya, maaaring nabubulagan ka lamang sa’yong nararamdaman dahil masyado ka
ngang nasanay sa kanyang presensiya. Ang dapat mong gawin, igala-gala ang
tingin. Huwag mong hayaang umikot lang sa kanya ang mundo.
Aba, kailangan mo rin namang ibaling sa’yong
pamilya at mga kaibigan ang iyong atensyon. Kahit naman mag-bestfriend kayo,
mayroon pa rin kayong magkaibang buhay. Kaya, ayusin mo muna ang buhay mo bago
ka mag-isip ng tungkol sa’yong lovelife.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento